-- Advertisements --

Nasa kustodiya na ng mga pulis ang isang lalaking namaril sa loob ng isang simbahan sa New Hampshire sa gitna ng isang kasalan, na ikinasugat ng dalawang katao.

Pero hindi naman tinukoy ni Pelham Police Chief Joseph Roark ang pagkakakilanlan ng suspek sa pamamaril sa New England Pentecostal Church, maging ang motibo nito.

Paliwanag ni Roark, kasalukuyan pa raw nilang iniimbestigahan ang insidente.

Gayunman, kinumpirma naman nito na isinugod sa ospital ang dalawang katao na may tama ng baril.

Hindi man tukoy sa ngayon ang kanilang kondisyon, wala naman daw namatay sa pangyayari. (CNN)