-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Sugatan ang dalawa katao sa pamamaril sa probinsya ng Cotabato.

Ang mga biktima ay nakilala na sina alyas Jammer,kamag-anak ng isang politiko at Justine Ababon,14 anyos at estudyante.

Ayon kay Pikit Chief of Poilice Lieutenant Colonel John Miridel Calinga na magkasunod na pinagbabaril ang mga biktima ng mga hindi kilalang suspek gamit ang kalibre.45 na pistola.

Ang mga sugatan ay agad naisugod sa Cruzado Medical Hospital sa bayan ng Pikit.

Nababahala ngayon ang mga residente ng lugar sa sunod sunod na insidente ng pamamaril.

Bago lang ay nagpulong ang LGU Pikit sa pangunguna ni Pikit Mayor Sumulong Sultan,militar at pulisya hinggil sa sunod sunod na pamamaril sa lungsod.

Matatandaang noong February 14, isang 13 anyos ang patay matapos barilin ng hindi pa tukoy na mga suspek at itoy kinondena ng DILG.

Sa ngayon ay nagpapatuloy ang imbestigasyon ng Pikit PNP sa magkasunod na pamamaril sa lungsod.