-- Advertisements --
Sugatan ang dalawang katao matapos na sila ay pagsasaksakin sa labas ng opisina ng satrical magazine na Charlie Hebdo sa Paris.
Pawang mga staff ng isang TV production ang mga biktima habang isa sa dalawang suspek ay 18-anyos na Pakistani.
Sa imbestigasyon ng mga kapulisan, nagsisigarilyo lamang sa labas ng nabanggit na opisina ang mga biktima ng sila ay lapitan ng mga suspek.
Nakuha sa lugar ang isang machete na ginamit ng mga suspek sa pananaksak.
Ayon kay French Prime Minister Jean Castex, na patuloy ang ginagawa nilang imbestigasyon.
Ang nasabing atake ay nangyari habang isinasagawa ang pagdinig sa terrorist attack ng 14 na katao sa Charlie Hebdo na ikinasawi ng 12 katao noong 2015.