-- Advertisements --

CAUAYAN CITY – Sugatan ang dalawang katao matapos na salpukin ng isang motorsiklo ang sinusundang isa pang motorsiklo sa Macate, Bambang, Nueva Vizcaya.

Ang mga nasugatan ay sina June Oyaan, 36, may asawa, backhoe operator, residente ng Buyasyas, Santa Fe, Nueva Vizcaya, driver ng Rusi Motorcycle at ang backrider nitong si Reynante Oyaan, 14, at residente ng Kasibu, Nueva Vizcaya.

Ang isa pang sangkot sa aksidente ay isang Honda TMX 125 na minamaneho ni Frederick Binohe, 23.

Sa pagsisiyasat ng Bambang Police Station, parehong binabagtas ng dalawang motorsiklo ang lansangan patungong bayan ng Bayombong nang makarating sa pinangyarihan ng aksidente ay nabunggo ng motorsiklong minamaneho ni Binohe ang likuran ng sinusundang motorsiklong minamaneho naman ni Oyaan.

Nahulog sa sementadong daan sina June at Reynante Oyaan na naging sanhi ng pagkakasugat sa iba’t ibang bahagi ng kanilang katawan.

Dinala naman sa pagamutan ang mga biktima para malapatan ng lunas.