-- Advertisements --

CEBU CITY — Kasalukuyang nagpapagaling ang dalawang crew members matapos itong napaso sa nasunog na MTUG Super Shuttle Roro 3 sa karagatan ng Cebu City.

Kinilala ang mga ito na sina Chief Engr. Juanito Godinez at Olier Joseph Abaraham kung saan pareho silang nagtamo ng second degree burn.

Ayon kay Philippine Coast Guard (PCG)-7 spokesperson Commander Alvin Dagalea na bumyahe ang nasabing tugboat noong nakaraang madaling araw papuntang Kawit Island.

Daling rumesponde ang mga otoridad mula sa Coast Guard upang puksain ang sunog na nagmumula sa engine room at naapula naman ito kinalaunan.

Naka-angkla ang nasabing barko sa Ouano Wharf at inaalam ngayon ng Coast Guard kung ano ang dahilan ng pagkasunog.