-- Advertisements --

sunda4

Ibinulgar ni Phil. Army chief LtGen. Gilbert Gapay na dalawang babaeng suicide bombers ang nakawala sa kanilang operasyon matapos mapatay ng mga pulis ang kanilang mga intelligence officers sa Jolo, Sulu.


Sinabi ni Gapay, ang dalawang babae umano ay mga misis ng mga suicide bombers din na napatay sa Indanan, Sulu noong nakaraang taon.

Sobrang panghihinayang ni Gapay dahil natukoy na ng kanilang operatiba ang pinagtataguan ng mga ito, pero naharang naman ng mga pulis ang apat nilang nga tauhan.

Dagdag pa ng heneral, nasa 700 metro na lamang daw ang layo ng kanilang tropa o ang take down team na siyang susuporta sana sa pag-raid sa bahay na pinagtataguan ng dalawang babae.

sundalo 1

Nasa official mission ang apat na sundalo ng mapatay ng mga pulis.

Batay naman sa kumalat na CCTV footage, ang naturang team din ng mga sundalo ang nagresponde matapos mapatay ng mga pulis ang kanilang mga opisyal na sakay ng SUV.

Inamin ng Philippine Army na mga sundalo ang nasa video na unang rumisponde sa insidente.

Pinahahanap na rin ni Gapay ang kabuuan ng CCTV footage para makita ang aktuwal na pamamaril ng mga pulis sa apat na intelligence operatives.