-- Advertisements --

BAGUIO CITY – Patay na ang suspek at isa pang sundalo na kasali sa nangyaring shooting incident sa loob ng Philippie Military Acdemy (PMA) noong Martes na una nang ikinasawi ng isa sa mga biktima.

Kinumpirma ito sa Bombo Radyo ni PMA Spokesperson Captain Major Cherryl Tindog.

Namatay habang ginagamot sa ospital ang suspek na sina Air Force Airman Second Class (A2C) Christopher Lim at sumunod namang namatay kanina si SSgt. Vivencio Raton.

Matatandaang unang namatay sa insidente si SSgt. Joefrey Turqueza.

Maaalang sa kasagsagan ng argumento ay pinaniniwalaang kinuha ni Lim ang issued firearm nito na M16 rifle at doon na nito pinagbabaril ang sina SSgt. Raton at SSgt.Turqueza, na nagresulta sa pagkasawi ni SSgt. Turqueza at pagkasugat ni SSgt. Raton

Nakipag-agawan ng baril si SSgt. Raton na nagresulta para mataamaan si Air Force Airman Second Class Lim.

Dead on arrival si SSgt. Turquesa habang inilipat sa Baguio General Hospital and Medical Center sina SSgt. Raton at Air Force Airman Second Class Lim matapos itinakbo sa PMA Station Hospital.

Una nang sinabi ni Capt. Tindog na hindi umano nakayanan ni Air Force Airman Second Class Lim ang kanyang pinagdadaanan a nagresulta ng pag-aamok nito sa loob ng akademya ngunit ayon kay City Director Police Col. Allen Rae Co, wala silang ibang nakikitang rason kundi ang hindi pagkakaunawaan sa pagitan ng suspek at dalawang biktima.