-- Advertisements --

Patay ang dalawang kasapi ng 32nd Infantry Battalion ng Philippine Army matapos ang naganap na pananambang ng hindi malamang armadong grupo sa Barangay Upper Cabengbeng, Sumisip, Basilan.

Base sa inisyal na imbestigasyon nangyari ang insidente nitong 5:10 ng hapon ng Enero 22 kung saan lulan ng kanilang sasakyan ang Headquarters Company ng 32IB para sunduin ang kinatawan ng United Nations Development Program (UNDP).

Habang nasa daan ay biglang sumulpot ang mga armadong suspek at pinaulanan ng bala ang convoy ng mga sundalo.

Dahil sa inisidente ay 2 nasawi sa panig ng militar at 12 sugatan.

Patuloy na tinutugis ng mga otordad ang mga nasa likod ng pananambang.