-- Advertisements --

BAGUIO CITY – Patay and dalawang sundalo, sugatan ang isa at nawawala naman ang isa pa nang tambangan umano ang mga ito ng mga rebeldeng New Peoples Army (NPA) sa Barangay Gacab, Malibcong, Abra kaninang umaga.

Sa exclusive interview ng Bombo Radyo Baguio, sinabi ni Cpt. Rigor Pamittan, spokesperson ng 5th Infantry Division ng Philippine Army na papunta ang mga sundalo sa Licuan-Baay para tumulong sana sa Disaster Response Operations ng sila ay tambangan ng mga miyembro ng Communist Terrorist Group.

Ang nasabing mga sundalo ay pinatawag ng kanilang batallion commander para tumulong sana sa pagbibigay ng kaukulang tulong sa mga biktima ng magnitude 6.4 na lindol sa Abra.

Ayon pa kay Capt. Pamittan, patuloy pa ang pagkuha nila ng karagdagang impormasyon ukol sa nasabing pangyayari.

Patuloy naman ang hot-pursuit operation na sinasagawa ng mga otoridad laban sa mga rebelde.

Samantala, kinondena naman ni 24th Infantry Battalion Commander Lt. Col. Ricardo Garcia III ang nasabing grupo.

Nakiisa rin sa pagkondena sa CPP-NPA ang Police Regional Office Cordillera at Cordillera Regional Disaster Risk Reduction and Management Council (CDRRMC).

Ating pakinggan ang bahagi ng panayam ng Bombo Radyo Baguio kay Cpt. Rigor Pamittan, spokesperson ng 5th Infantry Division ng Philippine Army

Si Cpt. Rigor Pamittan, spokesperson ng 5th Infantry Division ng Philippine Army.