-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO- Patay ang dalawang sundalo sa pananambang ng mga miyembro ng New Peoples Army (NPA) sa probinsya ng Cotabato.

Nakilala ang mga biktima na sina Pvt Lendo Borja at Pvt Jame Paul Devara,mga tauhan ng 19th Infantry Battalion Philippine Army.

Ayon sa ulat ng 901st Brigade na galing ang mga biktima sa isang Community Support Program sakay ng motorsiklo nang tambangan ng mga NPA sa Sitio Bukatol Barangay Kinawayan Arakan Cotabato.

Nagtampo nang maraming tama ng bala ang dalawang sundalo sa ibat-ibang parte ng kanilang katawan at agad binawian ng buhay.

Sa ngayon ay patuloy na tinutugis ng militar at pulisya ang mga NPA sa bayan ng Arakan Cotabato.