TACLOBAN CITY – Sugatan ang dalawang sundalo habang patay naman ang isang myembro ng New People’s Army (NPA) sa nangyaring engkwentro sa Barangay Aruganga, Dolores Eastern Samar.
Ayon kay Lt Col. Oliver Alvior, Commanding Officer ng 78th IB han Phil. Army, may natanggap umano silang report mula sa isang concerned resident kaugnay sa nangyayaring extortion activities.
Habang papunta sa naturang lugar ang tropa ay bigla na lamang pinaulanan ang mga ito ng bala ng rebeldeng grupo.
Gumanti naman ng putok ang mga ito na naging resulta sa pagkakamatay ng dalawang NPA. Aabot naman sa dalawang sundalo ang naiulat na sugatan sa naturang engkwentro.
Nakuha sa lugar ng insidente ang iba’t ibang uri ng mga pampasabog. Nagpapatuloy naman sa ngayon ang isinasagawang hot pursuit operation ng AFP laban sa mga myembro ng NPA.