CENTRAL MINDANAO – Sumiklab ang sagupaan sa pagitan ng militar at New People’s Army (NPA) sa paanan ng Mount sa probinsya ng Cotabato.
Ang mga nasugatan ay mga tauhan ng 19th Infantry Battalion Philippine Army.
Ayon sa ulat ng 901st Brigade, habang nagpapatrolya ang pwersa ng 19th IB sa Sitio Wakwakon, Barangay Balite, Magpet, North Cotabato ay bigla silang pinaputukan ng tinatayang 60 NPA gamit ang mga matataas na uri ng armas.
Agad nagmaniobra ang mga sundalo at gumanti ng putok sa mga rebelde sa ilalim nang tinaguriang Guerilla Front Committee 53.
Tumagal ng 45 minuto ang palitan ng bala sa magkabilang panig dahilan para matakot ang mga sibilyan.
Umatras ang mga NPA paakyat sa paanan ng Mount Apo nang paputukan sila ng mortar ng mga sundalo.
Dalawang sundalo ang nagtamo ng daplis sa katawan habang hindi matiyak sa panig ng mga rebelde.
Sa ngayon ay nagpapatuloy ang combat operation ng 19th IB laban sa mga NPA sa bayan ng Magpet.