Sugatan ang dalawang sundalo mula sa 85th Infantry Battalion matapos makasagupa ang isang grupo ng rebeldeng New Peoples Army (NPA) sa may Sitio Aak Malaki, Barangay Vista Hermosa, Quezon nuong Biyernes, September 21,2018.
Ayon kay Ltc. Ely Tono, commanding officer ng 85th Infantry Battalion na nagsasagawa ng combat at clearing operations ang kaniyang mga sundalo ng makasagupa ang komunistang grupo.
Ayon kay 2nd Infantry Division Spokesperson Cpt. Patrick Jay Retumban, umigting ang limang minutong palitan ng putukan kung saan ilan sa mga rebeldeng komunista ang sugatan.
Sa panig naman ng militar dalawang sundalo ang sugatan at ngayon ay nasa stable na kondisyon na sa ngayon.
Sinabi ni Retumban na mga miyembro ng Platoon 2, Guerrilla Unit 2, Sub-Regional Military Area (SRMA) of the Southern tagalog Regional Party Committee na nag ooperate sa Quezon ang nakasagupa ng mga sundalong Army.
Sa kabilang dako, tiniyak naman ni 2nd Infantry Division Commander MGen. Rhoderick Parayno na lalo pang paiigtingin ng militar ang kanilang kampanyan laban sa NPA.
Pinalakas din ng militar ang kanilang checkpoints lalo na sa mga lugar na kilalang may NPA na nag ooperate.