-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Isang sundalo ang nasugatan at isa ang nakaligtas sa pananambang sa probinsya ng Cotabato.

Nakilala ang nasugatan na si Corporal Mariano Warren Delapena habang nakaligtas si Private First Class Jefort Baraon, pawang nakatalaga sa 90th Infantry Battalion Philippine Army.

Ayon kay Pikit Chief of Police Major Mautin Pangandigan na lulan ang mga biktima sa isang motorsiklo sa Barangay Manaulanan Pikit Cotabato ay bigla silang dinikitan ng riding in tandem suspects at pinagbabaril gamit ang kalibre.45 na pistola.

Gumanti ng putok si PFC Baraon kaya mabilis na tumakas ang mga suspek.

Agad dinala ni PFC Baraon ang kanyang kasama na si Cpl Delapena sa pagamutan na tinamaan sa likod ngunit nasa ligtas ng kalagayan.

Sa ngayon ay nagpapatuloy ang imbestigasyon ng Pikit Municipal Police Station sa pamamaril sa dalawang sundalo.