-- Advertisements --
Dalawang sundalong Amerikano ang naitalang patay habang anim ang sugatan sa nangyaring pag-atake sa silangang bahagi ng Afghanistan.
Sinabi ni USFOR-A Spokesman Col. Sonny Leggett na batay sa nakalap nilang ulat, nagpaputok ng baril ang isang indibidwal na nagsuot ng Afghan uniform sa pinagsamang US at Afghan force gamit ang machine gun.
Nangyari raw ang insidente sa probinsya ng Nangarhar nitong Sabado.
“We are still collecting information and the cause or motive behind the attack is unknown at this time,” wika ni Leggett.
Nasa 13,000 US troops ang nananatili ngayon sa Afghanistan matapos ang naging papel ng Amerika sa pagpapalayas sa Taliban kasunod ng 11 September 2001 attacks. (BBC)