-- Advertisements --
CENTRAL MINDANAO – Dalawang panibagong suspected case ng coronavirus disease (COVID-19) ang naitala sa Kabacan, Cotabato.
Sa datos ng Kabacan Municipal Epidemiology Surveillance Unit, ang isa ay locally stranded individual na mula sa Luzon habang ang isa ay may direct exposure sa suspected case ng COVID.
Tiniyak naman ni Kabacan incident commander at MHO officer Dr. Sofronio Edu Jr. na nasa mabuting kalagayan na ang dalawa at nasa ilalim na rin ng strict monitoring.
Samantala, pumalo na sa 1027 ang cleared habang nasa 210 naman ang PUM.
Nagpaalala naman si Kabacan Mayor Herlo Guzman Jr. sa taongbayan na tiyakin na sundin ang lahat ang health protocols para makaiwas sa nakakahawang sakit.