Patay ang dalawang hinihinalaang criminal gang members sa ikinasang police operations ng PNP Anti-Kidnapping Group kagabi sa Barangay Sta Cruz, Antipolo City.
Sa report ni PNP AKG Luzon Field Unit Commander Col. Villaflor Bannwagan kay AKG Director BGen. Jonnel Estomo, target ng kanilang operasyon ang grupo ni Reagan Gepulango at ng hindi nakilalang kasama nito.
Tinaguriang armed and dangerous ang grupo ni Gepulango na sangkot sa ibat ibang criminal activities.
Si Geguplango ay nahaharap sa patumpatong na kaso at mayruong warrant of arrest na inilabas ni Hon. Judge Antonio Gerardo Amular ng RTC Branch 35, 6th Judicial Region sa Iloilo City.
Kabilang sa mga kasong kinakaharap ng suspek na si Gepulango ay carnapping, paglabag sa RA 9516, attempted homicide, attempted murder at murder.
Ayon kay Bannawagan nakatanggap sila ng impormasyon mula sa isang informant kaugnay sa presensiya ni Gepulango sa lugar, dahilan para agad ikasa ang operasyon.
Si Gepulango ay tinaguriang no. 1 most wanted person Municipal level ng Tigbauan MPS sa Iloilo City.
Isisilbi sana ng mga operatiba ang warrant of arrest laban kay Gepulango pero bago naka lapit ang mga pulis pinaulanan na sila ng bala ng suspek dahilan para mag retaliate ng putok ang mga kapulisan.
Sa nasabing labanan, patay si Gepulango at ang kasamahan nito.
Narekober naman ng PNP SOCO sa crime scene ang isang Ingram Cal.9mm with inserted magazine, dalawang Cal.45, pistols with inserted magazine, mga hinihinalaang shabu na naka silid sa isang heated sealed transparent plastic sachet.