-- Advertisements --

rizal2

Patay ang dalawang suspeks na umano’y sangkot sa iligal na pagbebenta ng armas sa Sitio Kawayan farm, Brgy Halayhayin, Pililia, Rizal sa isinagawang operasyon ng PNP Anti-Kidnapping Group (AKG) kaninang madaling araw.

Ayon kay Philippine National Police-Anti-Kidnapping Group Luzon field commander Col. Villaflor Banawagan, nasawi sa operasyon kaninang alas-3:15 ng madaling araw si Jake Pingal at isa nitong kasamahan na hindi pa tukoy ang pagkakakilanlan.

rizal3

Paliwanag ni Bannawagan, nakatunog ang mga suspek na pulis ang kanilang katransaksiyon kaya bago pa man sila maaresto ay nagpapaputok na sila ng baril.

Gumanti umano ng putok ang mga pulis na nagresulta sa pagkakasawi ng dalawang suspek.

Sinabi Bannawagan, maliban sa iligal na pagbebenta ng mga armas, sangkot din ang mga suspek sa iba pang criminal activities tulad ng kidnapping, robbery hold-up, gun-for-hire, at carnapping.

Nakuha sa encounter site ang limang piraso ng kalibre .45 na baril, at isang unit ng hinhinalang nakaw na motorsiklo.

Samantala, tinutugis naman ngayon ng mga pulis ang leader ng grupo na si Ryan Dela Cruz alyas Mokong na may warrant of arrest sa kasong kidnapping.