-- Advertisements --

CAGAYAN DE ORO CITY – Sinampahan ng Philippine Drug Enforcement Agency 10 ng kasong paglabag ng Dangerous Drugs Act of 2002 ang suspected trustees ng Manila-based syndicate big boss na unang nakompiskahan ng higit kilong pinaghinalaang shabu sa piskalya ng Iligan City.

Kasunod ito sa matagumpay na operasyon ng PDEA Iligan City-Lanao del Norte kasama ang mga operatiba ng National Bureau of Investigation Iligan City District Office laban sa mga suspek na sina Arsanie Ampuan na taga-Maguing at Mohaiden Abdul Azis Imam na residente ng Marawi City na lahat sakop ng Lanao del Sur na naaresto sa buy-bust operation sa Purok 9, Brgy Pala-o.

Sa panayam ng Bombo Radyo,inihayag ni PDEA 10 regional director Atty Benjamin Gaspi na ang umaabot rin sila ng ilang linggo na sumailalim ng negosasyon hanggang napasok sa buy bust operation ang dalawang high value targets.

Pag-amin ng mga suspek na nagsilbi lang umano sila na runners at napag-utusan ng Chinese national na nagpadala sa kanila ng suplay mula National Capital Region na para sa mga parokyano nila na nakabase sa Northern Mindanao.

Maliban sa halos pitong milyong piso na halaga ng shabu,nakompiska rin ang ibang mga ebedensiya na magagamit sa pag-usad ng kaso sa korte.