-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO- Hinuli ng mga otoridad ang dalawa katao na nagdadala ng mga armas papasok ng Cotabato City.

Nakilala ang mga suspek na sina Mohaddin Sabal Monico,35 anyos at Alidatu Abdul Monico,28 anyos,mga residente ng Maguindanao.

Ayon sa ulat ng Cotabato City PNP na naharang ng mga tauhan ng pulisya,Philippine Marines at Highway Patrol Group (HPG) ang sinasakyang kotse ng mga suspek sa Delta Bridge Brgy Poblacion 1 Cotabato City.

Napansin na kaduda-duda ang galaw ng mga sakay ng green sedan car kaya hinalughog ng mga otoridad ang kotse.

Nakuha sa mga suspek ang isang kalibre.45 na pistola at isang disassembled na Caliber.50 machine gun at mga bala.

Dahil walang naipakitang dokumento ang mga suspek sa dala nilang mga armas kaya agad silang hinuli.

Sa ngayon ay nakapiit na ang mga suspek sa costudial facility ng Cotabato City PNP at nakatakdang sampahan ng kaukulang kaso.