-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Patay on the spot ang dalawa katao nang makipagbarilan sa mga sundalo sa lalawigan ng Maguindanao Del Sur.

Nakilala ang mga nasawi na sina Manan Ulama Udza,27 anyos at Riyad Salim Mandaya,18 taong gulang,mga residente ng Shariff Saydona Mustapha Maguindanao Del Sur.

Ayon kay 601st Brigade Commander Bregadier General Oriel Pangcog na lulan ang mga suspek sa isang motorsiklo sa Barangay Elian Datu Saudi Ampatuan Maguindanao Del Sur.

Pagsapit ng mga suspek sa Army Checkpoint ay sinita ito ng mga sundalo ngunit bumunot ng baril at nagpaputok.

Kaya napilitan ang militar na barilin ang mga suspek at nasawi matapos magtamo ng maraming tama ng bala sa ibat-ibang parte ng kanilang katawan.

Narekober ng mga sundalo sa posisyon ng mga napatay ang isang kalibre.45 na pistola at IED na gawa sa granada.

Malaki naman ang paniniwala ng mga otoridad na kasapi ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) ang dalawa ngunit itinanggi naman ito ng pamilya.