-- Advertisements --
Inaresto ng mga National Bureau of Investigation (NBI) ang dalawang investment scammers na konektado sa FMD Logistics Trucking Corporation sa Quezon City.
Modus ng mga suspek na maibalik ng 55% ang mga perang ini-invest ng kanilang mga biktima sa loob lamang ng anim na buwan.
Ayon sa NBI na walang anumang kaukulang dokumentong maipakita ang mga suspek na ang kumpanya ay lehitimong trucking company.
Itinanggi naman ng mga naarestong suspek na iligal ang kanilang kompaniya.