Arestado ang dalawang suspek na nahaharap sa kasong rape at murder sa dalawang magkahiwalay na operasyon na ikinasa ng PNP-Anti-Kidnapping Group (AKG).
Ayon kay PNP AKG Spokesperson Maj. Ranie Lumactod, naaresto ang suspek na si Eric Rueda isang truck driver matapos ang 16 taon na pagtatago.
Si Rueda ang pang apat na most wanted person sa Zumaraga, Samar.
Naaresto siya sa Navotas sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabasa ng Regional Trial Court Branch 27 sa Catbalogan,Samar.
Sinabi ni Lumactod, nagawa pang magtrabaho sa Dubai ng limang taon ang suspek.
Kasong rape ang kinakaharap ni Rueda ng halayin nito ang 16-anyos na dalagita na may kapansanan sa pag-iisip.
Habang naaresto din ang suspek sa kasong murder si Edizon Villaran na isang construction worker na umanoy tipster ng Maray Kidnap for Ransom Group.
Si Villaran ang suspek sa brutal na pagpatay sa isang biktima na pinugutan ng ulo sa Cardona, Rizal ilang taon na rin ang nakalilipas.
Nahuli si Villaran sa bahagi ng Pasig City.
Sinabi ni Lumactod palipat-lipat ng lugar ang suspek ng sa gayon hindi siya matunton ng mga otoridad