GENERAL SANTOS CITY – Naakyat na sa prosecutors Office ang kasong syndicated estafa laban sa dalawang lalaki na inakusahan na mga scammer.
Kinilala ni NBI Agent Regner Pineza ang mga ito na sina Christian Dave Ramilo at Leonard Patacsil nasa hustong edad na kustudiya ngayon ng National Bureau of Investigation Sarangani District Office.
Ayon kay Pineza, nahuli ang dalawa sa entrapment operation sa isang fast food chain sa Barangay Lagao nitong lungsod alas 2:00 ng hapon.
Dagdag pa ng opisyal na nagpatulong sa kanilang tanggapan ang isang babaeng negosyante na hiningi-an ng mga suspek ng P300,000 matapos nagbayad ng P500,000 sa isang investmnent scheme.
Takda umanong tanggapin ng negosyante ang nasabing pera subalit huminge muli ang mga suspek kayat ginawa ang isang operation.
Nagresulta naman sa pagkahuli nina Ramilo at Patacsil matapos tinaggap ang P300,000.
Ayon kay Pineza gamit nga mga suspetsado ang ” Win 2 It Investment” kung saan nagpromisa ng malaking payout sa mga investor.
Nag operate umano ang nasabing investment schemesa Koronadal, Digos, Davao at umabot pa ditos a lungsod sa posibleng paghahanap ng mas maraming investors.