-- Advertisements --
suspek sa Sereno Ambush 1

(Update) BACOLOD CITY — Agad na nahuli ang dalawang suspek na nanambang sa self-confessed bagman na si Ricky Serenio sa Barangay Pahanocoy, Bacolod City nitong Sabado ng hapon.

Sa impormasyong nakuha ng Bombo Radyo Bacolod, kinilala ang mga suspek na sina Allan Bustamante, 30, ng Mabuhay 2, Toboso, Negros Occidental; at Joemar Dumip-ig, 30, ng Purok Boulevard, Brgy. 14, Bacolod City at tubong Escalante City.

suspek sa Sereno Ambush 2 1

Parehong naka-confine ngayon ang mga ito sa ospital sa lungsod ng Bacolod dahil sa tama ng bala sa kanilang paa at hita.

Base sa inisyal na imbestigasyon, matapos na barilin ng mga ito ang sasakyan ni Serenio, tumakas agad sina Bustamante at Dumip-ig ngunit na-tiyempohan na may dumaang mga pulis.

Hinabol ng pulisya ang mga suspek matapos nilang makita na may dalang baril ang mga ito.

Nagresulta din sa vehicular accident ang habulan ng dalawang grupo kung saan ipinapahayag na may isang walong taong gulang na bata na nakaangkas sa motorsiklo na dinadala ng kanyang ama ang nadaplisan ng bala.

Ayon kay Bacolod City Police Office spokesperson Lt. Col. Ariel Pico, patuloy pa ang kanilang imbestigasyon sa insidente at inaalam pa nila ang background ng mga suspetsado.