-- Advertisements --
image 427

Matagumpay na naaresto ng pulisya ang dalawang suspect na sangkot sa pamamaril patay sa isang kumakandidatong barangay kagawad sa Maingaran, Masbate City, Masbate.

Sugatan rin sa naging pamamaril ang kasalukuyang kapitan ng Barangay Maingaran, na si Joseph Martinez, 59 anyos.

Ayon kay Police Lt. Col. Malu Calubaquib, Police Regional Office-5 spokesperson, dalawang suspect ay inaresto ng Criminal Investigation and Detection Group at Masbate Police Provincial Office.

Kusa namang sumuko sa Masbate City Police Station ang pangatlong suspect sa pamamaril.

Ang biktima ay kinilalang si Juvy Pintor, 44 anyos.

Ipinag-utos na rin ni Bicol police director Police Brig. Gen Westrimundo Obinque ang isang komprehensibong manhunt operation laban sa lima pang suspect na nagtatago.