-- Advertisements --

Natukoy na ng awtoridad ang mga suspek na Chinese Nationals sa pamamaril ng kapwa nila Chinese sa Makati City.

Ayon kay P/Capt. Jenibeth Artista, PIO Chief ng Makati Police, nasagip sa CCTV ang plate number ng sasakyan ng 2 suspek.

Ang mga ito ay kinilala bilang si alyas “Zi An” at alyas “Bao Long” na kinumpirma rin ng mga testigo.

Ayon pa kay Artista, ang nakikitang motibo sa krimen ay problema sa negosyo. Posible rin umanong may kinalaman ito sa POGO dahil malapit lang sa hotpot restaurant kung saan nangyari ang pamamaril, ang gusali ng isang POGO hub sa lugar.

Sa ngayon, nakikipag-ugnayan na ang Makati Police sa Chinese embassy.

Humihiling na rin ang Chinese Embassy ng agarang pagresolba sa insidente ng pamamaril. Umaasa ang embahada na agad na mahuhuli ang mga suspek na sangkot sa pamamaril.