-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Hustisya ang sigaw ng pamilya ng isang magsasaka na pinugutan ng ulo sa Tacurong City.

Nakilala lamang ang biktima na si alyas Kanding na residente ng Purok Waya-waya Barangay San Emmanuel Tacurong City.

Nahuli naman ang mga suspek na sina Jonre Imba Barselosa, 21 anyos at Jenil Pagelo Malila, 22 at mga residente ng Malungon Sarangani Province.

Ayon kay Tacurong City Chief of Police Lieutenant Colonel Joan Maganto na nag-iinuman ang biktima at mga suspek.

Nang malasing ay naungkat ang dati nang alitan ng biktima at mga suspek na humantong sa pananaga gamit ang lagaraw.

Hindi pa nakontento sina Barselosa at Malila ay pinugutan pa ng ulo ang biktima at inilibing sa mababaw na hukay.

Agad tumakas ang mga suspek ngunit sa follow-up operation ng pulisya ay nahuli sa tulong ng mga residente.

Sa ngayon ay nakapiit na ang mga suspek sa costudial facility ng Tacurong City PNP at patuloy na iniimbestigahan.