-- Advertisements --

ROXAS CITY – Arestado ang dalawang drug suspek sa isinagawang drug buy bust operation ng mga kasapi ng Station Drug Enforcement Team ng Roxas City Police Station sa Barangay Loctugan, Roxas City.

Kinilala ang mga drug suspek na sina Denver Bernas, 33, residente ng Barangay Mongpong at Christopher Almojin, 31, ng Barangay Loctugan.

Narekober sa mga suspek ang tatlong sachets ng shabu at P500 na marked money.

Ayon kay Punong Barangay Lilian Cordinillo, unang naaresto ng mga pulis si Almojin dahil sa pagtutulak ng iligal na droga ngunit pansamantala itong napalaya sa pamamagitan ng plea bargaining agreement.

Ngunit sa halip na tumigil ay muling bumalik sa iligal na aktibidad si Almojin kaya isinagawa ang operasyon para ito ay madakip.

Sinabi naman ni Lt. Col. Ricardo Jomuad, hepe ng Roxas City PNP, halos tatlong linggo nilang isinailalim sa monitoring ang iligal na aktibidad ng mga suspek bago isinagawa ang operasyon.