-- Advertisements --

Arestado ang dalawang suspek sa rent sanla/pasalo modus operandi sa dalawang magkahiwalay na operasyon na ikinasa ng PNP Highway Patrol Group (HPG).

Kinilala ni PNP-AKG Director CSupt. Roberto Fajardo ang mastermind sa rent sanla/pasalo scam na si Joven Aycardo 37-anyos at residente ng Pulilan, Bulacan na naaresto sa Sampaloc, Manila.

Si Arcaydo ay nahaharap sa kasong estafa na may inirekumendang bail bond na P6,000.00 lamang na nag ooperate sa area ng regions 3, 4A at NCR.

Arestado din ang isa pang suspek na si Ryan Del Rosario, 36-anyos, residente ng Mexico, Pampanga.

Si Del Rosario ay nahaharap sa kasong Estafa na may inirekumendang bail bond na P18,000.00.

Si Arcayda ay sangkot sa rent sanla scam habang si Del Rosario ay sangkot sa salo scam.

Ayon pa kay Fajardo, ongoing ang kanilang malalimang imbestigasyon lalo na sa pagtukoy pa sa iba pang indibidwal na sangkot a syndicated modus operandi.

Panawagan naman ni Fajardo sa publiko na huwag maenganyo sa nasabing modus kailangan siguraduhin na walang sabit kung papasok sa nasabing negosyo.

Apela naman ni Fajardo sa mga biktima na hindi kaagad agad nila mabawi ang kanilang mga sasakyan at maaaring na chop chop na ang kanilang mga sasakyan.

Aniya, ginagawa naman nila ang lahat para mabawi ang mga ito.

Hindi rin umano problema kung walang plate number ang sasakyan.

Sumugod naman sa HPG headquarters mga complainants para ireklamo ang naarestong mga suspek.

Ilan sa mga biktima ay nakilalang sina Edgardo Ricafuerte na natangayan ng sasakyang Montero at nabiktima ni Joven Arcaydo.

Si Michael Ramos nawalan ng kotseng vios habang ang may rent a car business na si Edilbert Hilario ay natangayan ng dalawang sasakyan.

May mga dumating pang ibang biktima.

Hinimok naman ni Fajardo ang iba pang mga biktima na lumantad ng sa gayon kasong syndicated estafa ang kanilang isasampa sa mga suspek.