DAVAO CITY – Nasa dalawang swabbing teams mula sa U.S. Agency for International Development (USAID) ang nasa lungsod ito ay para i-assist ang Covid-19 swab testing ng lokal na pamahalaan ito ay dahil na rin sa patuloy na pagtaas ng kaso ng Covid-19 sa siyudad.
Ayon kay Dr. Ashley Lopez, acting head sa City Health Office (CHO), na ang dalawang swabbing teams na mula sa USAID at temporaryong i-dedeploy sa swab testing site sa Davao Crocodile Park habang ang swabbing team ng lungsod ay isasailalim mula sa quarantine.
Ayon kay Lopez na kung babalik na sa normal ang crocodile park, ang dalawang swabbing teams ay i-mobilize sa komunidad partikular na sa mga malalayong lugar ng lungsod.
Muling sinabi ng opisyal na kung may mga indibidwal na tumangging sumailalim sa swab testing, maaaring magdulot igo ng hindi magandang epekto sa komunidad.
Nabatid na una ng inaprubahan sa second reading ng City Council ang panukala na sumailalom sa mandatory reverse transcription polymerase chain reaction (RT-PCR) testing ang mga na-expose sa covid-19 patient at maaaring mahaharap sa multa ang mga close contacts ang mga kumpirmadong nahawa ng Covid-19 at tumangging sumailalim sa testing.