CAUAYAN CITY – Naitala bilang high risk area ang Santiago City kasama ang Tuguegarao City dahil sa sunod-sunod na pagkakatala ng mataas na kaso ng Covid-19.
Kaugnay nito ay sinabi ni Dr. Rio Magpantay, Regional Director ng DOH Region 2 na naitala bilang Moderate Risk ang apat na Probinsiya sa lambak ng Cagayan dahil sa mataas na daily attack rate.
Kabilang na rito ang lalawigan ng Isabela, Nueva Vizcaya, Quirino at Cagayan habang nananatili namang Low Risk ang Batanes.
Nais ng DOH Region 2 na mapababa sa isang daan ang mga kaso bawat araw sa Lambak ng Cagayan.
Umaasa ang regional director na sa pamamagitan ng maayos na pag-uusap at pakikiisa ng mga tanggapang kasapi sa Task Force ay matugunan ito.
Samantala, muli namang hiniling ng ni Mayor Joseph Tan ang Kooperasyon ng kaniyang nasasakupan.
Hindi aniya kayang maContain ng LGU ang Virus kung walang tulong ang mga residente.
Dahil dito, sunud-sunod ang kaniyang pakikipag-ugnayan sa bawat pagamutan sa lunsod at hinimok na manita ng kapwa kapag may nakitang lumalabag sa mga panuntunan.
Samantala, Umakyat na sa 1,006 ang aktibong kaso ng COVID-19 sa Isabela matapos na maitala ngayong araw ang walumpu’t tatlong panibagong kaso.
Sa mga aktibong kaso ay 11 ang locally stranded individuals, 153 ang Health Workers, labing walo ang pulis at 824 ang mula sa local transmission.
Muling pinaalalahanan ng pamahalaang panlalawigan ang publiko na sundin ang mga alituntunin at huwag lumabas sa tahanan kung hindi kinakailangan para makaiwas sa virus.