-- Advertisements --
Aprubado na ng US House of Representative ang makasaysayang $2 trillon stimulus package para labanan ang coronavirus disease 2019 o COVID-19.
Nauna na ring tiniyak nina House Speaker Nancy Pelosi at Minority Leader Kevin McCarthy na kanilang ipapasa ang resolution matapos na nauna na itong naaprubahan sa senado.
Nasa opisina na ngayon ni US President ang nasabing resolution at ito ay kaniya ng pipirmahan para tuluyan ng maging batas.
Napapaloob sa nasabing package na nag mga indibidwal na mayroong kita na $75,000 o mas mababa pa ay makakakuha ng $1,200 habang ang mag-asawa na may kita na $150,000 ay makakatanggap na $2,400 at tig $500 sa bawat anak.
Nasa batas rin ang pagbibigay ng tulong sa mga pagamutan para sa paglaban sa virus.