Pinirmahan na para tuluyan ng maging batas ni US President Donald Trump ang pinakamalaking financial stimulus package na $2 trillion para malabanan ang coronavirus pandemic.
Isinagawa ang pagpirma ilang oras matapos na maaprubahan ito ng House of Representatives.
Unang inaprubahan ng US Senate ang nasabing pondo noong nakaraang dalawang araw.
Wala ni isang Democratic na mambabatas ang inimbitihan sa isinagawang pagpirma na ginanap sa White House.
Nakasaad sa stimulus package ang pagbibigay ng tulong sa mga mamamayan na nawalan ng trabaho dahil sa ipinatupad na lockdown.
Mabibigyan din ng mga tulong ang mga pagamutan at health workers mula sa nasabing batas.
“America is bravely battling this pandemic through cutting-edge science, medical innovation, and rational, deliberate, and determined vigilance,” ani Trump. “My Administration is actively planning the next phase in an all-out war against this horrible virus.”