-- Advertisements --

DAVAO CITY – Dalawang graduates mula sa Mindanao ang nakuha ang dalawang pinakamataas na puwesto sa isinagawang October 2021 electronics engineering (ECE) board exam.

Sa inilabas na resulta sa Professional Regulations Commission (PRC), nag-number 1 sa ranking si David XYZ Temple Callena, alumnus ng University of Southeastern Philippines (USEP) sa lungsod kung saan may rating ito na 92.80%.

Habang nag-number 2 naman si Hashim Monir Mokamad Ambia na may rating na 92.0% mula sa MSU- Gen. Santos City

Samantala nag-top din ang isa pang estudyante sa USEP na si Alyssa Mayette Caraang na nasa rank 10 at may rating na 87.70%.

Sinasabing umabot sa 710 ang mga nakapasa sa pagsusulit mula sa kabuuang 1,484 na kumuha ng exam o katumbas ito ng 47.84% national passing rate.