-- Advertisements --

NAGA CITY-Patay ang dalawang katao habang sugatan naman ang isa sa insidente ng pamamaril sa Gumaca, Quezon.

Kinilala ang mga biktima na sina alyas Raynaldo, 57 anyos, at ang anak nito na si alyas Tina, 28 anyos, parehong residente ng Brgy. Butaguin ng nabanggit na bayan.

Kinilala naman ang suspek na si alyas Marycris, 37 anyos, live in partner ni alyas Raynaldo.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, nakakuha aniya ng tawag ang Gumaca Municipal Police Station na nagkaroon ng insidente ng pamamaril ala-1:55 ng umaga ng Mayo 26, sa bahay ni alyas Raynaldo.

Base sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad, nagkaroon aniya ng mainit na argumento sina alyas Raynaldo at Marycris, rason upang kumuha si Marycris ng baril at barilin sa ulo si Raynaldo, na kaagad nitong kinamatay.

Pagkatapos nito ay pumunta naman ang suspek sa kwarto ni alyas Tina at pinagbabaril ito.

Pagkatapos nito ay binaril ni alyas Marycris ang kanyang sarili na kaagad nitong kinamatay.

Kaagad naman na dinala si Tina ng kanyang mga kapamilya sa isang ospital para sa tulong medikal.

Sa ngayon, tinatrato ng mga awtoridad na solved at case closed na ang insidente.