-- Advertisements --

GENERAL SANTOS CITY – Wala nang buhay ng makita ang mag-ina na nakabitin pa sa isang bangin sa Sitio Paopao Barangay Sinawal nitong lungsod.

Kinilala ang mga biktima na sina Jennelyn Mamada 21 at dalawang taon nitong anak na si Jean Librado mga residente ng lugar.

Unang nagpaabOt ng impormasyon ang mga kapitbahay ng biktima sa Tanud supervisor matapos nadiskubre ang insidente.

Kaagad nagreponde ang pulisya at kinuha ang mga biktima.

Posible umanong binigti ng ina ang anak at sumunod ito sa pag suicide gamit ang sentas ng sapatos .

Ayon kay Police Major Ananias Vasquez ng Makar Police Station na gabi ng umuwi si Elboy Librado at hinahanap ang kanyang mag-ina subalit ala 10 ng gabi nakita ang mga biktima.

Dagdag pa ni Vasquez na hindi umano nakarekober ang babae matapos nagka depresyon nuong nagdaang taon matapos kinuha ito duon sa Davao del Sur ng ka live in at pilit na dinala dito sa lungsod.

Nalaman na isa pa lamang ang anak ng mag live-in.