BUTUAN CITY – Pinaninindigan ni Vice President at Department of Education Secretary Sara Duterte-Carpio na kakailanganin pa ang dalawang taong transition period, bago ibalik sa traditional na June to March ang school year na na-iba dahil sa COVID-19 pandemic.
Sa kanyang pagdalo sa national convention ng 28th Vice Mayors’ League of the Philippines na isinagawa dito sa Butuan City, inihayag ng opisyal na ang dalawang taon ay pina-iksi na, mula sa unang inirekomendang limang taong transition period.
Base ito sa kanilang isinagawang konsultasyon sa lahat ng mga regional offices noong Enero at Pebrero ngayong taon.
Samantala inihayag naman ng opisyal na nananatili pa rin ang kanilang palisiya na kung may mga natural calamities gaya ng weather disturbances at iba pa, may kapangyarihan ang mga school administrators at principals , na i-shift ang kanilang face-to-face classes sa alternative delivery modes gaya ng distance o kaya’y modular learning.