Inalis ng Bureau of Immigration ang dalawang tauhan sa kanilang puwesto dahil sa umano’y pagkakasangkot sa mga aktibidad ng human trafficking.
Ayon sa spokesperson ng imigration na si Dana Sandoval, nakatanggap ang ahensya ng intelligence information na ang dalawa ay nakikipagsabwatan sa “external parties” para gawin ang ilegal na aktibidad.
Na-relieve sila base sa intelligence information at pansamantalang inilagay sa back end office para hindi sila makahadlang sa isinasagawang imbestigasyon sa kaso.
Ayon kay Sandoval, ang isa sa dalawa ay nakatalaga sa Ninoy Aquino International Airport habang ang isa naman ay nakatalaga sa Clark International Airport.
Dagdag dito, hindi bababa sa limang taon na silang nagtatrabaho sa Bureau of Immigration.
Liban nito, mahigpit na pinaalala ni Sandoval na sa magtatapos ang pagkuha ng mga bagong opisyal ng Immigration sa darating na ika-20 ng Enero.