-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO – Nakatakas umano ang dalawang tauhan ni dating barangay chairman Datu Pindatun Adzis Talusan sa Barangay Limbo, Sultan Kudarat, Maguindanao sa inilunsad na law enforcement operation.

Nakilala ang mga suspek na sina Hazer Mama at Jason Guiabil.

Nahuli naman si Abdulkarim Kamal Usop na patuloy ngayong iniimbestigahan ng mga pulis.

Pikit North cotabato IATF maguindanao

Matatandaan na magsisilbi sana ng warrant of arrest ang mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG-BAR) katuwang ang PNP-SAF at militar sa Sitio Torres, Barangay Limbo, Sultan Kudarat, Maguindanao laban kay Talusan.

Papasok pa lang ang raiding team sa kanilang target ay pinaputukan daw sila ng mga armadong tauhan ni Kapitan Talusan kaya naganap ang madugong engkwentro.

Nang humupa ang putukan nasawi si Talusan at 11 niyang mga tauhan na sina Abdullah Talusan, Bembi Talusan, Randy Talusan, Abdul Mubarek Talusan, Khadafi Esran, Ahyot Degan, Abdul Patah Buday, Samsudin Ali, Bulod Adam, Butoh Minandang at Sangkupan Minandang.

Patay rin sa panig ng pulisya si Police Staff Sergeant Elenel Pido ng PNP-Special Action Force at apat sa kanyang mga kasamahan ang nasugatan kabilang na ang tatlong sibilyan.

Samantala kinompoirma ni CIDG-Maguindanao Field commander Major Madin na si Talusan ay nahaharap sa mga kasong multiple frustrated murder, robbery with murder, multiple homicide, multiple frustrated homicide, illegal possession wf firearms, extortion at carnapping.

Sangkot rin umano ang grupo ni Talusan sa pagpatay ng maraming sundalo at pulis na mga Off-duty na dumadaan sa bayan ng Sultan Kudarat Maguindanao.

Umapela naman ang pamilya ng mga nasawi sa Commission on Human Rights (CHR) na maimbestigahan ang madugong law enforcement operation ng mga otoridad.

Sa ngayon ay nanatiling nasa hightened alert ang pwersa ng pulisya at militar sa bayan ng Sultan Kudarat Maguindanao sa posibling pagganti ng mga tagasuporta ni Kapitan Talusan.

2 tauhan ni Kapitan Talusan na nakatakas patuloy na pinaghahanap sa Maguindanao

CENTRAL MINDANAO – Nakatakas uamno ang dalawang tauhan ni dating Barangay Limbo Sultan Kudarat Maguindanao Barangay Chairman Datu Pindatun Adzis Talusan sa inilunsad na law enforcement operation.

Nakilala ang mga suspek na sina Hazer Mama at Jason Guiabil.

Nahuli naman si Abdulkarim Kamal Usop na patuloy ngayong iniimbestigahan ng mga pulis.

Matatandaan na magsisilbi sana ng warrant of arrest ang mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG-BAR) katuwang ang PNP-SAF at militar sa Sitio Torres, Barangay Limbo, Sultan Kudarat, Maguindanao laban kay Talusan.

Papasok pa lang ang raiding team sa kanilang target ay pinaputukan daw sila ng mga armadong tauhan ni Kapitan Talusan kaya naganap ang madugong engkwentro.

Nang humupa ang putukan nasawi si Kapitan Talusan at 11 niyang mga tauhan na sina Abdullah Talusan, Bembi Talusan, Randy Talusan, Abdul Mubarek Talusan, Khadafi Esran, Ahyot Degan, Abdul Patah Buday, Samsudin Ali, Bulod Adam, Butoh Minandang at Sangkupan Minandang.