-- Advertisements --

CAGAYAN DE ORO CITY – Nahuli nang pinagsanib na pwersa ng mga pulis at sundalo ang dalawang miyembro ng Special Partisan Unit (SPARU) ng CPP-NPA sa Purok 12, Brgy Tongantongan, Valencia City, Bukidnon.

Kinilala ni 403rd Brigade Philippine Army commander Brig. Gen. Eduardo de Leon ang mga suspek na sina si Frederick Malong Tagurda alyas Reck at Pedeng Mundol Matikinong alyas Santo na nagsilbi umanong revolutionary tax collectors ng Guerilla Front 6 sa pamumuno ng isang Jigger Tumbalang alyas War.

Sinabi ni De Leon na sina Tagurda at Matikinong ang principal suspects sa pagpatay sa isang CAFGU member, pagbaril sa babaeng guro at maging sa paghagis ng granada sa 88th IB checkpoint sa Valencia City.

Sugatan ang mga suspect matapos makipagpalitan ng putok sa mga pulis at sundalo.

Narekober sa posisyon ng mga suspek ang dalawang kalibre .45 na baril, mga bala, gamot at motorsiklo.