-- Advertisements --

Dalawa pang Australian Open players ang nagpositibo sa COVID-19.

Ayon sa Australian Health office,
nalaman na lamang nila nagpositibo ang dalawang manlalaro pagkadating nila sa nasabing bansa.

Dagdag pa nila na mayroong isang “non-playing participant” ang sinasabing dinapuan rin ng COVID-19.

Aabot kasi sa mahigit 1,000 katao ang nagtungo sa bansa para manood ng torneo na magsisimula sa Pebrero 8.

Sinabi ni Victorian Chief Health Officer Brett Sutton, na sa tatlong nagpositibo ay isa ang babae na may edad 20 habang ang dalawang lalaki ay nasa edad 30 na.

Nauna ng tiniyak ng mga Australian officials na walang “special treatment” sa mga tennis players na nasa ilalim ng quarantine.