CENTRAL MINDANAO-Dalawang mga miyembro ng Dawlah Islamiyah Maute Group ang nasawi sa inilunsad na law enforcement operation ng mga otoridad sa lalawigan ng Maguindanao.
Nakilala ang mga suspek na sina Maganduga Mitmug Madlawan at Hassanor Dilna Madlawan.
Sa ulat ng Police Regional Office-Bangsamoro Autonomous Region (PRO-BAR) na magsisilbi lang sana ng warrant of arrest ang pulisya at militar laban sa mga suspek sa bayan ng Barira Maguindanao.
Nanlaban umano sina Madlawan kaya napilitan ang raiding team na silay paputukan.
Patay on the spot ang mga suspek nang magtamo nang maraming tama ng bala sa ibat-ibang parte ng kanilang katawan.
Isang pulis naman ang nasugatan at agad dinala sa Notre Dame Hospital sa Cotabato City.
Sina Madlawan ay may warrant of arrest na inisyu ni Judge Alberto Quinto sa kasong multiple murder at multiple frustrated murder,kung saan top 2 most wanted person ang dalawa sa Lanao Del Sur.
Narekober sa mga suspek ang isang Colt MK IV series 80 caliber.45 pistol,isang caliber.45 Para Ordnance,mga bala at mga magazine.
Naka-hightened alert naman ang pulisya at militar sa Maguindanao sa posibling pagganti ng mga kasamahan ng dalawang terorista.