CAGAYAN DE ORO CITY – Kakasuhan ng pulisya ng illegal possession of explosives ang umano’y dalawang miyembro ng teroristang Dawlah Islamiyah-Maute Group na naaresto sa joint pursuit operation ng puwersang militar at pulisya sa Barangay Talao,Piagapo,Lanao del Sur.
Kaugnay ito nang pagka-aresto ng hindi muna pinangalanan na suspected terror members na nasa likod pagtanim ng improvised explosive devices para sa humahabol sa kanila na tropa ng 51st Infantry Batallion,Philippine Army na unang naka-engkuwentro at nakapatay ng dalawang kaaway ng estado sa Barangay Palacat sa nabanggit na probinsya.
Sinabi ni 51st IB commander Lt Col Fernando Payapaya na maliban sa pagka-aresto ng DIMG members na naatasan na magsagawa nang pagpasabog ng bomba ay nakompiska rin ang dalawang anti-personnel mines;kalibre 45 na baril at ibang subersibo na mga dokumento.
Kaugnay nito,umapela si Payapaya sa natitira pang mga terorista na sumuko na upang makapag-bagong buhay kaysa mapipilitan na lang ang gobyerno na pulbusin sila ng tuluyan kapag magpapatuloy na lalaban.
Magugunitang bago ang pagkahuli ng suspected DIMG members ay napatay ng militar ang unang dalawang terorista na tumungo sa construction site na pinaniwalaang maghahasik kaguluhan na naman sa civilian workers ng mga proyektong gobyerno sa lugar.