-- Advertisements --

Inoperahan si two-time Formula One World Champion Fernando Alonso matapos na maaksidente habang nagbibisikleta sa Switzerland.

Ayon sa Alpine F1 Team na kaniyang kinaaaniban, na naging matagumpay ang kaniyang corrective operation sa fractured upper jaw nito.

Nananatili pa rin ito sa pagamutan dahil kailangan itong obserbahan ng ilang araw.

Umaasa naman ang koponan nito na agad na gumaling ang 39-anyos na si Alonso para makasama na ito sa kanilang ensayo.

Noong Enero 2020 ay naaksidente na rin ito sa Dakar Rally sa Saudi Arabia.