Bagamat nananatiling isa sa pinakamagaling na player sa kasalukuyan, hindi umano maiwasan ni 2-time NBA champion Kevin Durant na pag-isipan ang pagreretiro.
Ayon sa 35 anyos na sentro, lalong dumadalas ang pag-iisip niya ukol sa retirement kasabay ng patuloy na pagpapalit ng season at lalong pagtanda.
Gayunpaman, umaasa ang batikang basketbolista na magtatagal pa siya sa liga, lalo at hindi umano niya alam kung ano ang gagawin kapag tuluyan na siyang nagretiro.
Nalulungkot din si Durant na darating ang araw na magreretiro na siya sa paglalaro ng basketball gayong mula pa aniya noong 8 anyos siya ay dito na umiikot ang kanyang buhay.
Si Durant ay ang No.2 overall pick noong 2007 NBA draft na pinili ng dating koponan na Seattle SuperSonics.
Isa siya sa pinakamatandang player na kasalukuyang naglalaro sa liga kung saan ang kanyang mula sa naturang draft year, apat na lamang silang naiiwan kasama sina Al Horford, Mike Conley at Jeff Green.
Sa ilalim ng kanyang paglalaro sa NBA, hawak niya ang dalawang championship, 14 All-Star appearance, dalawang Finals MVP, at isang regular season MVP.
Sa kasalukuyan ay naglalaro siya sa Phoenix Suns kasama ang isa sa mga pinaka-episyenteng scorer na si Devin Booker.