-- Advertisements --

Balik-training na si 2-time Olympian EJ Obiena kasunod ng naging laban sa Paris Olympics.

Maalalang nabigo ang Pinoy vaulter na maka-podium finish sa katatapos na Olympics at nanatili sa ika-apat na pwesto.

Ayon kay Obiena, balik na ito sa pagsasanay at sa kanyang laro.

Gugugulin umano niya ang natitirang season upang magsanay kasabay ng pangakong mas lalo pa siyang makikita ng mga Pinoy.

Nangako rin si Obiena na mas madalas nang makita ng bansa ang Philippine flag sa global stage.

Samantala, nagpasalamat naman ito sa mga Pinoy sa nagpapatuloy na pagsuporta at pagmamahal sa kanya.

Ayon pa kay Obiena, ang isang event o isang laro ay hindi magdidikta sa kabuuang sukat ng isang indibidwal kungdi ang ang buong karera na kanyang tatahakin.

Hindi aniya siya susukatin sa kanyang 4th place finish kungdi sa kanyang buong karera.