-- Advertisements --

LAOAG CITY – Nagsama ang dalawang top drug personality sa custodial facility matapos maaresto sa drug buy bust operation ng Laoag-Philippine National Police (PNP) at Provincial Drug Enforcement Unit ng Ilocos Norte.

Posible silang maharap sa kasong Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 dahil sa pagbebenta at pagmamay-ari ng diumano’y iligal na droga.

Unang nadakip ang No. 12 drug personality na si Bernardo Rafada, residente ng Barangay 7-B Laoag City at sumunod na nahuli ang No. 5 Drug personality ng lalawigan na si Jeff Agliam, guro sa Ilocos Norte College of Arts and Trades at residente sa nasabing barangay.

Nakumpiska ng mga otoridad ang walong sachet ng hinihinalang iligal na droga mula kay Rafada, habang 11 na sachet mula kay Agliam.

Sa ngayon, nasa kustodiya pa rin ng PNP-Laoag habang inihahanda ang kasong isasampa laban sa dalawang top drug personality.