BUTUAN CITY – Patuloy pang inimbestigahan ng Butuan City Police Station kon BCPS-4 ang panununog ng mga nagpaiilalang rebeldeng New People’s Army (NPA) ang tig-iisang 10-wheeler at 6-wheeler truck nga pagmamay-ari ng Primevibe Corporation na naa Purok 4, Barangay Sumilihon, nitong lungsod ng Butuan pasado alas-8:45 kagabi.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Butuan, inihayag ni Butuan City Police Office spokesperson Major Riza Torotoro na ang mga responsable na nakasuot pa ng kulay green na sweat shirt na duna’y NPA logo ay nakapasok sa compound kungsaan sa likurang bahagi ng 30-talampakang pader sila dumaan gamit ang improvised ladder.
Una umano nilang nilapitan ang gwardiya at dinis-armahan habang ibang grupo namanang pumasok sa staff house na tinirhan ng branch manager kasama sa kanyang pamilya.
Dito umano sinabihan ng grupo ang branch manager kaugnay sa hindi nito pag-aksyon sa kanilang hiling nitong nakalipas na linggo.
Dinala naman ng mga reponsable ang mga personal na gamit sabay sunog sa mga sasakyanan at saka tumakas na.