-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Dalawang transport service cooperatives ng Caraga Region ang hindi susuporta sa isang linggong tigil-pasada na sisimulan ngayong araw na Lunes, Marso a-6 ng transport groups sa kalakhang Maynila.

Ayon kay Balangay Transport Service Cooperative o BALTRANSCO chairman Juanito Ubas, ito’y dahil suportado nila ang Public Utility Vehicle o PUV Modernization Program ng Land Transportation, Franchising and Regulatory Board kon LTFRB.

Ayon sa opisyal, prayuridad nila ang pagserbisyo sa mga commuters partikular yaong mga estudyante at mga papasok sa trabaho lalo na’t limang taon na ang mga transport service cooperatives nitong Caraga Region.

Ganon din ang inihayag ni Caraga Butuan Transport Service Cooperative o CARBUTRANSCO Chairman Ricky Sanchez, dahil bilang nasa transportation sector, dapat available sila palagi para sa mga commuters.